FX:
- may nakasakay ako na matanda ng dalawang beses, magkaibang FX at magkaibang araw pero siguro dahil parehas kami ng schedule kaya kami'y nagkakasabay sa FX
- ayoko sa lahat ang upuan sa gitna...kasi diba apatan yun...malas mo kung 2 dun ay medyo "malulusog" at wag ka ng mangarap ng matiwasay na paglalakbay kung lahat sila ay ganun...ikaw ang kawawa...tsk tsk...
- Suggestion: dapat tatluhan na lang sa gitna ng FX...nagbabayad kami ng extra amount compared sa dyip dahil aside from the airconditioned vehicle, we need comfort man lang amidst heavy traffic. eh hello? magiging kumportable ba kami kung 4 kaming siksikan sa gitna
- ayoko rin sa mga pasaherong gahaman sa aircon...yung tipong gusto nila sa kanila lang nakatapat yung aircon. hoy! kaya nga tinawag na public transpo diba! naiintindihan ko kung gano kainit sa pilipinas at once nakasakay ka na sa malamig na FX, you would do everything to savor that moment. pero wag naman sana ganun diba...napakainconsiderate!
- kapag hindi "peak hour" ang pagsakay sa FX, pihikan ako sa pamimili ng sasakyan. most of the time, i don't choose the Tamaraw ones. aside from the fact na luma na sya, 80% dun improvised na lang ang aircon para lumamig at kapag di na talaga tumalab, impyerno ang kahihinatnan mo sa loob!
- Suggestion: masarap sakyan yung mga isuzu, adventure at revo. except nga lang sa revo na di-angat yung likod. ang sakit sa tenga kapag sinara yung door na yun! pero tolerable na rin. (revo din kasi kotse namin kaya nasanay na! hehe)
- i want as much as i could na maupo sa harapan. sobrang comfortable kasi 2 lang kau tapos nakatutok pa talaga sayo yung aircon. wooh! kaya nga kapag nakaupo ako sa gitna tapos somewhere along the road (kanta un a!) pag bumaba yung pasahero sa harap, for sure lilipat talaga ako. hehe... di rin biro magbiyahe ng almost an hour no kaya dapat lang talaga sulitin ang pagkakataon na ganun!
DYIP
- di ko alam kung mahina ang boses o sadyang mahina ang pandinig ng iilang dyipni drayber. kulang na lang bulyawan mo sa tenga para lang sabihin na, MAAAAA!!!!!!! PARAAAAAAAAA!!!!!!!!
- as much as possible, gusto kong maupo malapit sa babaan...bakit? 1) kasi it saves time sa pagbaba compared sa lugar na andun ka sa pinakaloob.maintriga pa naman ang mata ng mga pasahero dahil from head to foot kikilatisin ka talaga! 2) kapag nasa bandang pinakaloob, lagi kang tagapasa at tagabigay ng bayad ng ibang mga pasahero. pero pag wala na talagang bakante kundi dun na lang, ok na rin...
- isang issue na naman ang mga "malulusog" na pasahero. more than twice na nangyari sakin na 1/16 na lang yata ng pwet ko ang nakaupo. actually nga hindi nako nakaupo eh! naka-squat position na lang ako at ang only life-saver ko ay ang paghawak sa handrail sa taas ng dyip...
- naiinis ako sa mga babaeng maaarte. hello! miss, nakasakay ka sa dyip hindi sa sarili mong kotse! yung iba kasi grabe siksikan na nga sa ibang parte ng dyip, todo nakasideways pa sila sa pag-upo with matching pagtingin sa malayo. minsan may kinainitan ako ng ulo dahil sa sobrang gahaman sa space, binunggo ko nga yung pwet nya! haha...tumingin sya sakin ng masama pero wala akong pakialam! eh siya kasi eh!
- marami din sa mga dyipni drayber ang kaskasero! may isang beses, sobra yung biglaan nyang pagpreno, literal tlaga na tumilapon kami sa harap! haha.... ang sakit kaya sa mukha at katawan! buti na lang nakahawak ako dun sa bakal sa loob ng dyip. meron ding pagkakataon na may kagalit ang drayber ng dyip na sinasakyan ko. aba mantakin mo ba naman ginawang drag racing ang quiapo hanggang dun sa may morayta banda! tapos may nalalaman pa syang pazig-zag effect ng dyip! kulang na lang lumipad ang mga kaluluwa namin sa nerbyos!
LRT / MRT
- may mga araw na nagtitipid ang gobyerno at di nila pinapaandar ang aircon ng LRT/MRT. buti sana kung binubuksan nila ang mga bintana sa taas for elevation pero hindi! para kaming nasa steam bath sa loob! malas mo pa talaga kung may anghit ang ibang mga pasahero tapos pinagsama sa mga amoy-araw at amoy-pawis!
- pinagpapasalamat ko na may "for-girls-only" lang na part ng LRT. bakit? it saves women from the dark plans of "horny guys" sa paninilip at paghipo. pero masaya din dun sa for-girls-only kasi ang dami kong nasasaksihan. merong dalawang babae magkasama. para nga silang christmas girls eh. kasi yung isa, suot ay green shirt. yung kasama naman nya ay red shirt! perfect db? naghihintay pa lang kami ng LRT, parang wala lang, konting usap. pagsakay sa LRT, aba daig pa ang magsyota na babae't lalaki sa PDA! waaa! lesbians sila!!! grabe, todo hawak at 1cm distance na lang silang dalawa! eeerrrrr....
- pag "peak hours" expect na sardinas kayong lahat sa loob ng tren. walang sinasanto...ke babae, lalaki, bata, matanda, mayaman man o pobre...lahat siksikan! pero pag nasa MRT ka, ginhawa ka na pagkatapos ng Cubao Station dahil 60% ng nasa tren dun bumababa! hehe....
- ayoko sa mga pasaherong KSP (kulang sa pansin!). yung iba, todo papansin sa pagdisplay ng mga magara at mamahalin nilang cellphone! buti di sila natatakot sa mga snatcher! yung iba naman, kapag may tinatawagan o kapag may tumawag sa kanila sa cellphone, kulang na lang eh lahat ng pasahero sa tren eh maintindihan ang conversation nila dahil sa sobrang lakas ng boses! konting sibilisasyon naman po...
- ayoko din sa mga taong judgmental at mapangmata. yung tipong pag-apak mo sa loob ng tren, all eyes are on you...from your head accessories up to your shoe wear eh titingnan! excuse me...this is a public transportation at hindi fashion show na parang mga rumarampa sa runway ang mga sumasakay na pasahero para tingnan na lang nila ng ganun na lang! buti sana kung ganun sila ka-fashionable at kagaganda/kaggwapo para tumingin ng ganun!
BUS
- mula pantranco papuntang faura, expect na nakatayo ka! at makikisiksik ka sa mga lalakeng nakatayo din! kaya konting mastery lang ng certain movements at kung san ilulugar ng tama ang mga gamit para di ka makaabala sa mga bababa. pero mula faura naman pauwi ng roxas, napakasarap ng buhay dahil you have all the freedom na mamili ng upuan kung san mo man gustuhin. pero ako, laging sa harap dapat dahil along the way, mapupuno din ang bus at hindi biro na nakaupo ka sa bandang gitna o sa dulo tapos pag bababa ka na eh kulang ang 3min para gawin yun dahil makikisiksik ka sa mga nakatayo sa aisle.
- malamig ang airconditioned bus...yung mga green ones ha! no doubt about it! kaya masaya magbus! mabilis pa ang byahe kasi sila ang hari ng daan! pag no choice na talaga, minsan pinagtitiyagaan ko na rin yung blue bus. pero minsan lang yun. maliit lang kasi yun eh saka di pa ganun kalamig.
- don't forget to keep your tickets. kasi mamaya may papanhik na checker at hihingin ang ticket mo tapos pagbalik sau ng ticket, punit na...haay di ko nga alam kung anong klaseng method at criteria ang ginagamit nila sa pagchecheck ng mga ticket.
- pansinin nyo ang mga konduktor ng bus. makakapal ang mga thumb nila! or kung hindi thumb, basta may isang finger na makapal! yun ay dahil sa rubber! hehe....for easier grip kasi sa pagpunit ng ticket yun at samu't saring uses pa...
- haay...i don't have anything against "healthy" passengers. pero minsan talaga hassle....lalo na pag insensitive sila at di nila alintana na di ka na makaupo dahil sa lapad nila....haay...lalo na pag dun ka uupo sa 3-seater at isa dun ay malapad...haay no comment....ay isa pa pala! sa mga lalaki na grabe ang buka ng binti....i understand may kailangan protektahan sa kanilang katawan at may maiipit pag di sila bumuka pero sana, konting sakripisyo man lang para lahat ng pasahero makaupo ng maayos...
TAXI
- lagi akong wary sa patak ng metro ng mga taxi. kung pwede, better yung mga MGE na taxi saka yung yellow ones kasi at least regulated ang taxi meter nila pero the rest of the cabs, juz ko grabe sila managa ng metro! meron nga one time galing ako kina crisi, tantiya ko talaga 80 pesos lang yun mula dun hanggang roxas...biro mo ba naman umabot ng 120! aba di ako nagbayad ng 120...ang binayad ko ay 100 at nanghingi ako ng 20...nakipagtalo ako at sinabi ko na regular passenger ako sa ganung route (pero hindi naman talaga) at uniform ang binabayaran kong presyo na 80...haha di na sya nakareklamo. pero makikita at mapapansin mo naman talaga pag mabilis ang patak ng metro nila
- gusto ko sa mga drayber na madaldal lalo na pag mag-isa lang ako na nakasakay sa taxi. ang boring kasi 2 na nga lang kayo sa loob ng kotse tapos di pa kayo magkikibuan...hehe...kung anu-ano ang mga napag-uusapan about life. minsan din may aral na mapupulot sa mga simpleng kwento nila.
- it has been my habit na laging idouble check ang upuan bago tuluyang bumaba sa taxi dahil most of the time, we are not aware na may nahuhulog na pala tayong mga gamit mula sa bag o mula sa bulsa. ang dami ko na kasing naririnig at nalalaman na kwento na ganun tapos di binabalik ng drayber yung nahulog mo. swerte mo na lang talaga pag binalik pa yun sayo...
- makakaencounter ka din ng mga drayber na pihikan. it's either yung way mo ay traffic or out of the way sya pauwi or malapit na syang gumarahe. you just have to understand.
- meron ding iba na manghihingi ng extra pag traffic. you have to understand din. gas yun no! saka di biro ang umapak sa clutch, brake at gas at timplahin ang 3 yun pag traffic!
Common Thing:
pag nakaradyo sila, naglalaro lang sa mga to ang pinakikinggan:
- Kadyot lang, kadyot lang....Kailangan pa bang imemorize yan? It hurts you know! (im not sure kung 101.9 or 90.7 Love Radio)
Last but not the least...
TRICYCLE
- ito ang pinakagusto ko sa lahat! para akong nasa probinsya! for no reason at all, gusto ko ung tunog ng makina ng tricycle, yung pagkakaupo ko sa loob, yung close distance ko sa ground pag nakaupo, yung amoy din ng smoke ng tricycle...weird no?
- medyo may kamahalan nga lang....lalo na pag mag-isa ka...di ko alam kung magkano ang minimum pero mula kina aaron hanggang 5th avenue (malapit lang un promise!), 20 pesos na agad! pero ok na rin...enjoy ako sa biyahe eh!
- pag adventurous ang dating, gusto kong pumwesto sa likod ng drayber. pero once in a blue moon lang yun mangyari. actually once pa nga lang nangyari yun eh....basta matagal na yun...galing kaming kamuning tapos namili kami PMY and then pauwi, isa ako sa mga umangkas sa likod...fun!
- trivia: roxas lang sa lahat ng subdivision/village/area sa quezon city ang walang tricycle. sabi nga nila sosyal daw mga nakatira sa roxas dahil walang tricycle. may advantage kasi sobrang tahimik! bawas ang ingay! may disadvantage naman dahil pag wala kang kotse, kailangan mong maghintay na mapuno ang roxas-labasan na dyip bago sumibat ang dyip...ang makukuha mo na 10min pag nilakad mo pauwi, magiging 20-30 min pa yan dahil sa kakahintay
- question: ano ang ibig sabihin ng TODA sa dulo ng mga tricycle association? pansinin nyo...puro TODA yung dulo diba? may meaning ba yun?
In fairness, mahaba-haba ang entry kong ito pero fun sya sobra! Hehe...straight from the heart! no editing and no worries of thinking too much with right words to say...basta type lang! nakakrelate ka din ba sa transpo moments ko? oo, ako yung hottie sa title! haha...walang kokontra!
isa lang yan sa mga interesting na naexperience ko mula ng magcollege ako. haay napakadaming adventure sa pagcocommute! pero syempre dapat alert ka din sa mga dangerous people...haay...ayun.....sleep nako! nyt2!